Untitled Document




 

Children's Month 2023

ALAM NIYO BA NA MARAMING PROGRAMA ANG QUEZON CITY NA MALAKI ANG KAPAKINABANGAN SA MGA KABATAAN?
Nariyan ang QC Birth Registration Online, Early Childhood Care and Development, Zero Illiteracy Program, Learning Recovery Program, Operation Timbang, at mga eco-friendly initiatives ng lungsod na pro-children.

At kasabay ng pagdiriwang ng Children's Month ngayong taon ay ang paglulunsad ng QC Unified Referral System Guidebook ng Quezon City Government, katuwang ang World Vision. Layunin ng programa na gabayan ang mga barangay, paaralan, at iba't-ibang departamento sa lungsod na makakalap ng kumpletong datos tungkol sa lagay ng mga kabataan.

Ang lahat ng mga programang pang-kabataan ay inisa-isa ni QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang 5th State of the City's Children Report na may temang "Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all."

Ang pagdiriwang ng Children's Month ay dinaluhan ni Majority Floor Leader Doray Delarmente, kasama ng daan-daang kabataang estudyante mula sa mga paaralan ng QC, mga opisyal ng Sangguniang Kabataan, maging ng guardians, parents, teachers, at mga non-government organizations na nakasentro ang atensyon sa pangangalaga ng kabataan.

Masayang-masaya ang mga bata sa inihandang programa ng lokal na pamahalaan para sa pagdiriwang. Dumalo rin si Usec. Janella Ejercito ng National Authority of Child Care na nakadaupang palad ni Konsehala Doray. Nakasama rin sa masayang pagtitipon sina Councilor Geleen Lumbad na siyang Chairman ng Committee on Children at SK Federation President Councilor Sami Neri.

Sa Quezon City, hindi natin palalampasin ang anumang klase ng pang-aabuso sa kabataan. Sa Quezon City, mahalaga ang kanilang karapatan. Kung mayroon kayong nais isumbong o ireklamo na may kaugnayan sa hindi maka-taong pagtrato sa sinumang bata, tandaan na mayroon tayong Makabatang Helpline 122 na maaring tawagan.

Councilor Doray Delarmente


Back
 
 
Untitled Document
HOME    *    VICE MAYOR    *    DISTRICT 1    *    DISTRICT 2    *    DISTRICT 3    *    DISTRICT 4    *    DISTRICT 5    *    DISTRICT 6    *    EX-OFFICIO    *    CITY SECRETARY    *    CONTACT US
© Copyright 2011-2012. Quezon City Council - Sangguniang Panlungsod Lungsod Quezon. All rights reserved.